Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama't mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t'wing umuulan
Kasabay ng ulan bumubuhos ang 'yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko'y lumisan pa hanggang ang hangi't ula'y tumila na
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri'y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
La la la
La la la
La la
La la la la la la
La la la la la la la la la
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi
Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
Minsan pa ulan bumuhos ka't h'wag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw,
Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan,
Tuwing umuulan,
Tuwing umuulan at kapiling ka
Get the embed code
Note: When you embed the widget in your site, it will match your site's styles (CSS). This is just a preview!
Preview the embedded widget
| Noel Cabangon - Tuloy Ang Byahe Album Lyrics | |
|---|---|
| 1. | Manila |
| 2. | Paano |
| 3. | Pumapatak Ang Ulan |
| 4. | Anak |
| 5. | Huwag Mong Sabihin |
| 6. | Iduyan Mo |
| 7. | Sika Laeng Iti Biag |
| 8. | Tuwing Umuulan At Kapiling Ka |
| 9. | Usahay |
| 10. | Ikaw Lang Ang Aking Mamahalin |
| 11. | Kahit Na |
| 12. | Lagi Nalang |
| 13. | Malayo Ang Umaga |
| 14. | Joey's Name (Umaga Na Naman) |
| 15. | Kailan |
| 16. | Handog |
Noel Cabangon Lyrics provided by SongLyrics.com
| 1 | Usahay |
| 2 | Tuwing Umuulan At Kapiling Ka |
| 3 | Sika Laeng Iti Biag |
| 4 | Pumapatak Ang Ulan |
| 5 | Paano |
| 6 | Manila |
Genres |
Top Lyrics |
SongLyrics |
Company
|
Add Song Meaning